Tuesday, 9 January 2024

Ako ay magsisimba lamang sa Tradisyunal na Misang Katoliko!

 

Ito na siguro ang isa sa mga pinakalumang bagong kuwento sa Simbahang Katolika!

Ito rin ay isa sa pinakamabigat na kasalanang nagawa laban sa Diyos!

Ngunit ang pinaka-kamangha-manghang nangyari sa Simbahang Katolika ay noong nagsimulang magdasal ang mga Katoliko ng napaka-heretical at napaka-sacrilegious na mga panalangin sa tinatawag na Novus Ordo Mass o New Mass tulad ng English Mass at Tagalog Mass; kung saan ang mga panalangin ay kinuha mula sa napaka-heretical at very sacrilegious na mga panalangin ng mga PROTESTANTENG:
Anglicans, Lutherans, Episcopalians, Methodists at Calvinists na kumakatawan sa anim na Protestant Ministers na gumawa ng Bagong Misa.

BABALA: Ang Bagong Misa tulad ng Tagalog Mass at English Mass ay HINDI Katolikong Misa kundi isang PROTESTANTE SERVICE!

NO - Novus Ordo !

Sa TRADITIONAL NA MISA LAMANG AKO dadalo.

Ako ay isang debotong Katoliko, ngunit hindi ako dadalo sa isang BAGONG MISA na NAPAKA-Erehe na ginagaya nang ginagaya nito ang PROTESTANT SERVICE kung kaya't:

Para makumpleto ang panggagaya, at pagiging uto-uto ng Bagong Misa sa Protestant Communion Service; kinopiya at ginagaya rin nito ang Protestenteng Ritual of Consubstantiation na para sa mga Katoliko ay isang erehiya o maling panampalataya.

Ngunit ano ba ang ibig sabihin ng Ritual of consubstantiation?

The Body and Blood of Christ is sent into the gifts (NOT SACRIFICE) of bread and wine; so that the Body and Blood of Christ is present only in a heavenly and spiritual manner.

Ang ibig sabihin nito ay ang alak ay mananatiling alak at ang tinapay ay manatiling tinapay. At ang katawan at dugo ni Kristo ay kumakatawan lamang sa pamamagitan ng Espiritu na ipinadala sa mga regalo na alak at tinapay.

Para sa mga Protestanteng Anglicans o yung tinatawag din na Church of England na siyang gumawa ng dasal na ito ng Ritual of Consubstantiation na ginagaya at ginawang uto-uto ang mga Katoliko sa Bagong Misa . Ang Katolikang Doktrina ng Transubstantiation ay isang superstisiyon o isang pamahiin lamang.

Ayon sa 39 Articles of Religion ng Church of England:

Transubstantiation (or the change of the substance of Bread and Wine) in the Supper of the Lord, cannot be proved by holy Writ; but is repugnant to the plain words of Scripture, overthroweth the nature of a Sacrament, and hath given occasion to many superstitions.

Ang paniwala din ng mga Protetanteng Anglicans ay Ang Katawan ni Kristo ay ibinigay, kinuha, at kinain sa hapunan, pagkatapos lamang ng MAKALANGIT at ISPIRITWAL NA PARAAN at ang paraan kung saan ang Katawan ni Kristo AY TINGGAP AT KINAIN SA HAPUNAN ay ang PANANAMPALATAYA.

 

Ang lahat ng mga ito ay lubos kumakalaban at mahigpit na ipinagbabawal ng Council of Trent ng Simbahang Katolika.

(These are all totally against the Council of Trent of the Catholic Church.)

Canon 8 on the Most Holy Sacrament of the Eucharist ay nagsasabi na:

Kung sino man ang magsasabi na ang Yukaristiya ay kinain sa spiritual na paraan lamang at hindi sa tunay na paraan at hindi sa sacramental na paraan; hayaan siyang maging anathema o  siya ay ituring na isang tiwalag sa simbahan!

Canon 11 ay nagsasabi din na:
Kung sino man ay magsasabi na ang pananampalataya lamang ay sapat na paghahanda para sa pagtanggap ng sakramento ng Kabanal-banalang Eukaristiya, hayaan siyang maging anathema o  siya ay ituring na tiwalag sa simbahan!

Ang Anathema ay isang ekskomunikasyon o pagtitiwalag at isang napakalakas na pagkondena sa mga aksyon at/o paniniwala ng tao bilang laban sa Simbahang Katolika. Nangangahulugan din ito na ang tao na iyon ay wala sa tamang katayuan sa simbahan, at hindi maaring tumanggap ng mga sakramento.

Samakatuwid: ang pagdalo sa Novus Ordo Mass o Bagong Misa tulad ng Tagalog Mass o English Mass PARA SA MGA KATOLIKO
ay isang pagkakasala sa Diyos at samakatuwid ay isang MORTAL SIN!
Buksan ang inyong mga mata sa KATOTOHANAN!
PANOORIN AT PAKINGGAN:


Maari ninyong i-download ang maliit na Missal ng Traditional Latin Mass sa papamagitan ng pag-pindot sa mga link na nasa ibaba:
1. Traditional Latin Mass sa Wikang Pilipino
2. Traditional Latin Mass in English